^

Bansa

60-64 anyos senior citizens isama rin sa CCT - Binay

Ellen Fernando - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nais ni Vice President Jejomar Binay na maisama sa Conditional Cash Transfer program ang mga senior citizen na may edad na mula 60 hanggang 64 anyos.

Sa kasalukuyan, yaon lang mga senior citizen na may edad na mula 65 anyos pataas ang kasama sa programa.

“Yong mga katulad kong senior citizens, alam ninyo ba na from age 60-64, hindi po kasama? Sixty ang simula ng senior citizen. Bakit po sila napuwera roon?” puna ni Binay sa isang panayam sa DYRD Bohol.

Idiniin ni Binay na kailangan ang dagdag na mga benepisyo sa matatanda dahil bumabagsak ang halaga ng pension dahil sa implasyon.

“Hanggang sa oras na nakukuha na nila ang pension nila, ang value ng peso pababa ng pababa. Kapag nagretiro na sila o pagkatapos ng 10-15 taon, wala na ‘yon dahil mababa na ang value ng piso,” ani  Binay. “Isa hong dahilan ‘yan kung bakit ko naisip na bigyan ng traditional benefits ang mga senior citizens namin sa Makati.”

Iginiit ni Binay ang pagsasagawa ng reporma sa  CCT program makaraang matuklasan ng Commission on Audit ang mga depekto sa listahan ng mga benepisyaryo, hindi mahusay na distribusyon, o underpayment, hindi pagsunod sa mga rekisitos at isyu ng beripikasyon.

“Mayroon lang po tayong dapat i-correct talaga rito. Dahil continuously, while laging sinasabi ni Secretary Dinky na na-liquidate niya, lagi pa rin pong lumalabas ‘yong unliquidated portion,” sabi pa ni Binay. “Ang dami pong naipasok diyan sa 4Ps na hindi qualified, mga kapartido, mga kamag-anak, etcetera.”

Nagtungo sa Bohol si Binay para makipag-usap sa mga grupong sektoral, lokal na lider at mga residente ng mga bayan ng Clarin, Inabanga, Danao, Sierra Bullones, at Carmen.

 

ACIRC

ANG

BAKIT

BINAY

BOHOL

CONDITIONAL CASH TRANSFER

DAHIL

MGA

SECRETARY DINKY

SIERRA BULLONES

VICE PRESIDENT JEJOMAR BINAY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with