Fare rollback dapat hanggang P7 lang - KMU
MANILA, Philippines – Dapat na umanong mahinto na lamang hanggang sa P7.00 ang minimum fare sa pasahe sa mga passenger jeepney .
Ito ayon sa Kilusang Mayo Uno (KMU) ay kung patuloy na magkakaroon ng pagbaba sa halaga ng produktong petrolyo sa merkado o magkaroon ng big-time rollback sa domestic oil prices ng hanggang P5.00 kada litro.
Binigyang diin ng KMU na dapat ding isa-alang alang ng pamahalaan ang kalagayan ng estado ng buhay at uri ng pagtatrabaho meron ang mga driver.
Karamihan anila ay kakarampot lamang ang nagiging take home income ng mga driver sa maghapong pamamasada at kulang na kulang sa sobrang taas ng halaga ng mga bilihin tulad ng mga pagkain at mga bayarin kasama na ang pangangailangan ng mga anak na nagsisipag-aral.
“We should exercise compassion towards the country’s jeepney drivers. They are some of the hardest working Filipinos and are some of the hardest on cash. Before the latest rollback, most of the jeepney drivers in Metro Manila were taking home no more than P400 a day, below the P481 minimum wage in the region,” ayon sa KMU.
Ayon pa sa KMU, mas bumaba ngayon ang kita ng mga driver dahil sa epekto ng matinding trapik sa Metro Manila.
- Latest