^

Bansa

Cabinet members inaasahang dadalo sa Mamasapano probe

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Inaasahan ng liderato ng Senado na sisipot ang mga miyembro ng Gabinete at matataas na opis­yal ng militar at pulisya na ipinatawag sa panibagong pagdinig sa naging engkuwento sa Mamasapano noong nakaraang taon na ikinasawi ng 44 SAF members.

Ayon kay Senate President Franklin Drilon, buong kooperasyon ang inaasahan niya mula sa Malacañang.

Sinabi ni Drilon na hindi na rin dapat humingi ng advance na listahan ng katanungan ang Palasyo dahil hindi nila ito ibibigay.

Mahihingan lamang umano sila ng advance questionnaires kapag question hour o kapag nakasalang na ang Cabinet member sa direktang pagtatanong ng mga senador sa gitna ng kanilang plenary session.

Sa mga pagdinig nung nakaraang taon ng Senate Committee on Public Order, sumipot naman ang mga miyembro ng Gabinete at mga opisyal at tauhan ng Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police.

Hindi rin sila humi­ngi ng questionnaires at nagpagisa sa Senado at Kamara.

Gagawin ang muling pagdinig tungkol sa engkuwentro sa Mamasapano dahil na rin sa kahilingan ni Senate Minority Leader Juan Ponce Enrile na mayroon umanong nais linawin sa nangyari.

ACIRC

ANG

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

DRILON

GABINETE

MAMASAPANO

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

PUBLIC ORDER

SENADO

SENATE COMMITTEE

SENATE MINORITY LEADER JUAN PONCE ENRILE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with