Reps. Calalay, Reyes mananatili sa puwesto
MANILA, Philippines - Mananatili pa rin sa kanilang puwesto ang mga kaso ng dalawang kongresista na pinapatalsik sa mga posisyon.
Sinabi ni House Speaker Feliciano Belmonte na mananatili bilang kinatawan ng 1st district ng Quezon City si Rep. Francisco Calalay at Marinduque Rep. Regina Reyes habang inaaral pa ng Kamara ang kanilang mga kaso.
Ito ay dahil sa nagkakaroon ng kalituhan sa naging desisyon ng Ombudsman ni Calalay dahil nangyari ang insidente noong ito ay konsehal pa dahil sa umano’y falsification of official documents, serious dishonesty, conduct prejudicial to the best interest of the service at grave misconduct dahil sa umano’y pagtanggap ng mga ghost employees.
Sa ngayon ay wala umano itong intensyon na alisin ito bilang Kongresista dahil naniniwala ito na magpapasaklolo pa si Calalay sa Court of Appeals para humingi ng Temporary Restraining Order (TRO) sa nasabing desisyon.
Sa kaso naman ni Reyes ay pinatalsik ito ng Korte Suprema kapalit si dating Congressman Lor Allan Velasco, anak ni Associate Justice Presbitero Velasco.
Paliwanag ni Belmonte, pag-aaralan niya ang kaso nito at magdedesisyon ito bago magbakasyon ang Kongreso sa Pebrero para sa election break.
- Latest