^

Bansa

Justice Leonen pinag-iinhibit sa kaso ni Poe

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinag-iinhibit ng isa sa mga abugado na nagsulong ng kanselasyon ng kandidatura ni Sen. Grace Poe sa pagkapangulo si Associate Justice Marvic Leonen sa paghawak sa kaso ng senadora.

Sa walong pahinang urgent motion, hiniling ni Atty. Estrella Elamparo ang voluntary inhibition ni Leonen.

Ito ay dahil nagkaroon na umano ng prejudgment sa kaso o lantarang pagkiling si Leonen kay Poe.

Ipinahiwatig umano ni Leonen ang pagkiling nang kanyang tukuyin sa gitna ng oral argument ang kanyang karanasan na lumaki nang walang ama at tila nakisimpatiya pa raw ito sa napakahirap na karanasan na dinanas ni Poe sa kanyang paglaki nang hindi nalalaman kung sino ang kanyang tunay na mga magulang.

Binanggit pa ni Elamparo sa kanyang mosyon ang emosyonal na mga pahayag ni Leonen nang kanyang ipaalala sa mga kapwa mahistrado na sila ay nasa tungkulin hindi bilang mga legalist kundi mga justices na nangangahulugan na sila ay dapat maging makatwiran.

Hindi umano interpelasyon ang ginawa ni Leonen at nabalewala rin ang mga jurisprudence o mga naunang desisyon ng Korte Suprema na maiuugnay sa kaso ni Poe.

Sa ilalim aniya ng Section 1, Rule 137 ng Rules of Court, pinapayagan ang isang hukom na mag-inhibit sa kaso batay sa kanyang desisyon sa makatwirang dahilan.

ANG

ASSOCIATE JUSTICE MARVIC LEONEN

BINANGGIT

ELAMPARO

ESTRELLA ELAMPARO

GRACE POE

KANYANG

KORTE SUPREMA

LEONEN

MGA

RULES OF COURT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with