Residency ni Poe nagisa sa SC
MANILA, Philippines – Matinding pagkuwestiyon ang inabot ng kampo ni Sen. Grace Poe mula sa mga mahistrado ng Korte Suprema nung humarap ang abogado nito para sa oral arguments noong isang araw.
Matatandaang inapela ni Poe ang desisyon ng Commission on Elections na i-disqualify siya sa pagtakbo sa halalan sa Mayo dahil kulang ang paninirahan nito sa bansa o residency, na may kinalaman na rin sa pagtakwil nito sa pagiging Filipino para maging isang American citizen.
Ginisa ng mga mahistrado si Atty. Alexander Poblador tungkol sa intensiyon ni Poe na talagang manatili sa Pilipinas mula noong 2005, lalo na’t hindi nito isinuko, bagkus ginamit pa ang kanyang US passport ng apat na taon pa.
Tinanong rin ng mga mahistrado kung bakit limang taon pa ang inintay ni Poe para talikuran ang kanyang US citizenship pagkatapos makuhang muli ang kanyang Philippine citizenship, at umamin si Poblador na ginawa lamang ito ni Poe dahil itinalaga siya ni PNoy bilang pinuno ng MTRCB. ?
Pagkatapos nito ay itinanong ni Justice Mariano del Castillo kung isusuko ba ni Poe ang kanyang US citizenship kung hindi ito na-appoint sa puwesto. Tila daw sinusubukan lang ni Poe ang sitwasyon dito sa Maynila.
Sabi ni Atty. Zenaida Elepano, isa sa mga nakinig sa oral arguments: “Either Poblador was evasive or he didn’t have all the facts.” Dating administrator ng Korte Suprema si Elepano.
- Latest