Pinas pagtatawanan ng buong mundo ‘pag nanalo si Bongbong – Osmeña
MANILA, Philippines – Nababahala si Sen. Sergio "Serge" Osmeña III sa magiging resulta ng eleksyon sa pagkabise presidente, partikular sa karera ng kapwa senador Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr.
Sinabi ni Osmeña na pagtatatawanan ng buong mundo ang Pilipinas kapag nanalo si Marcos sa Mayo 9.
"Nowhere in the world do you see the family of a dictator be allowed back into the country and running for public office,” komento ng senador sa kaniyang panayam sa sa ABS-CBN News Channel.
Ang sagot ni Osmeña ay sinabi ni late Singapore Prime Minister Lee Kuan Yew sa kaniyang librong "From Third World to First" kung saan inilarawan niya ang Pilipinas.
BASAHIN: Pinakamaswerteng tao ako dahil pinanganak akong Marcos – Bongbong
Sinabi pa ng senador na "we will be the laughingstock of the world” kapag nanalo si Marcos sa ikalawang pinakamataas na pwesto sa gobyerno.
“Even Lee Kuan Yew couldn't understand it so somebody as dumb as me can't understand it either," dagdag niya.
Isa si Osmeña sa mga nakulong noong panahon ng Martial Law.
Inabot ng limang taon sa piitan si Osmeña bago nakatakas kasama si Eugenio Lopez Jr. ng ABS-CBN.
Samantala, nauna nang sinabi ni Sen. Marcos sa isang panayam sa telebisyon na wala sila dapat ihingi ng tawad sa mga Pilipino.
- Latest