^

Bansa

BDO muling nakasungkit ng mga award

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Muling kinilala ang BDO Unibank (BDO) sa katatapos na The Asset Triple A Country Awards 2015. Nasungkit ng Bangko ang ilang major awards para sa banking, finance at capital markets.

Iginawad sa BDO ng HongKong-based financial publication na The Asset ang ilan sa mga major awards kabilang na ang Philippines’ Best Domestic Bank, Best Corporate and Institutional Bank at Best Equity House, dahil sa ipinamalas nitong kahusayan partikular na sa mga key banking segments.

Nagmarka sa The Asset ang record net income ng BDO nuong 2014 at ang abilidad ng Bangko na mas lalong palaguin ang kita nito sa hinaharap.

Ang The Asset Triple A Awards ay isa sa mga pinakaprestihiyosong award na iginagawad sa mga institusyon na nagpamalas ng natatanging kahusayan sa kani-kanilang mga industriya.  Halos dalawang dekada nang binabantayan ng The Asset Triple A ang mga organisasyon para tukuyin kung alin sa mga ito ang natatangi at nagbibigay ng mahusay na serbisyo.

Kinilala rin ng publikasyon ang BDO para sa ipinamalas nitong “excellence in governance, corporate social responsibility and investor relations benchmarking” sa nakaraang The Asset Corporate Awards 2015.

Layon ng award na maisulong ang kahalagahan ng sustainable growth. Sinusuri nito ang mga kumpanya ayon sa kalidad ng kanilang corporate governance, social responsibility, environmental responsibility at investor relations.

ANG

ANG THE ASSET TRIPLE A AWARDS

ASSET

ASSET CORPORATE AWARDS

ASSET TRIPLE A

ASSET TRIPLE A COUNTRY AWARDS

BANGKO

BEST CORPORATE AND INSTITUTIONAL BANK

BEST DOMESTIC BANK

BEST EQUITY HOUSE

MGA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with