6 months maternity leave inihain ni Pacquiao
MANILA, Philippines – Inihain sa Kamara ni Sarangani Rep. Manny Pacquiao House Bill 3590 na naglalayong bigyan ng anim na buwang maternity leave ang mga babaeng empleyado ng gobyerno at pribadong sektor na nakapag-trabaho na sa loob ng dalawang taon sa isang kumpanya o higit pa.
Nakasaad sa panukala ni Pacquiao na sa loob ng anim na buwan na maternity leave ay buo ang sahod ng isang empleyado.
Samantala kung ang isang empleyado naman ay nakaka-isang taon pa lamang sa trabaho ay entitled pa rin ito sa anim na buwang maternity leave subalit kalahati lamang ang magiging sweldo nito.
Paliwanag ni Pacquiao, negatibo para sa babaeng empleyado kung kulang sa panahon para makarecover ang mga ito mula sa panganganak dahil nagiging dahilan umano ito ng absenteeism at humihina ang performance sa trabaho.
Karamihan anya sa mga bansa sa Europa ay nagbibigay na ng ganitong kahabang maternity leave.
Habang sa Asya tanging ang Vietnam lamang ang nagbibigay ng anim na buwang maternity leave sa mga empleyado.
Ang Indonesia, Cambodia, China, Laos at Thailand ay nagbibigay lamang ng tatlong buwang maternity leave with pay.
- Latest