Rehab sa ‘Yolanda’ mabagal - UN
MANILA, Philippines – Nababagalan ang United Nations (UN) sa ginagawang rehabilitasyon para sa mga biktima ng bagyong Yolanda kasabay ang pangamba na abutan pa sila ng panibagong kasinlakas na bagyo.
Sinabi ni UN Special Representative of Secretary General for Disaster Risk Reduction Margareta Wahlstrom, nababagalan sila sa ginagawang rehabilitation works ng gobyerno sa mga sinalanta ng kalamidad dahil hanggang ngayon ay hindi pa natatapos ang mga permanent housing ng mga biktima.
Kaya nababahala raw ang kinatawan ng UN na abutan ng susunod na malakas na bagyo na katulad ng bagyong Yolanda ang mga biktima na hanggang ngayon ay nakatira pa rin sa mga temporary shelters.
Iginiit pa ni Wahlstrom, dapat makiisa sa gobyerno ang mga local government units gayundin ang komunidad sa pagsusulong ng disaster risk reduction upang malabanan ang climate change lalo’t palaging nakaharap sa iba’t ibang kalamidad ang bansa tulad ng bagyong Yolanda.
- Latest