Roxas susuportahan ni Mayor Guia
MANILA, Philippines – Si presidential candidate Mar Roxas ng Liberal Party (LP) ang susuportahan ni San Juan City Mayor Guia Gomez sa 2016 elections.
Sa flag-raising ceremony kahapon sa San Juan City Hall kahapon kung saan dumalo ang mahigit na 100 opisyal ng barangay mula sa 21 barangay at 700 empleyado ng lungsod, itinaas ni Mayor Gomez, ina ni Sen. JV Ejercito, ang kamay ni Roxas upang ipakita ang kanyang suporta sa huli. “Thank you, thank you for that, for the betterment of our dear city. I have come to a decision that to express my personal gratitude to all of these. You will have my full support this coming May elections,” bungad ng alkalde.
“Our Secretary and our Senator Mar has always been constant friend of San Juan. He has always been there for us. Siguro, sa lahat ng mga national officials, siya lang ho ‘yung talagang kumbagang unang-una siya sa lahat ng magtatanong sa amin kung ano na ang kundisyon namin kung may floods, kung may typhoons, may fire and everything else. Hindi ko makakalimutan ang kanyang deep concern sa aming mga kababayan dito sa aming lungsod,” pahayag ni Mayor Guia.
Ayon kay Gomez, mahirap para sa kanya ang ginawang desisyon dahil kaibigan rin niya ang mga makakalaban sa eleksyon ni Roxas.
Lubos naman ang pasasalamat ni Roxas kay Mayor Guia, ang pinuno ng Partido Magdiwang sa San Juan. Sinabi ni Roxas na masaya siya na “makasama sa Daang Matuwid sa darating na halalan ang isa sa pinakamahusay na punong-lungsod sa ating bansa,” bilang pagtukoy kay Mayor Guia.
Ikinuwento ni Mayor Guia na si Roxas ang sumaklolo sa mga contituents nito sa San Juan sa pagsuporta nito sa housing projects nung Kalihim pa ito ng Department of Interior and Local Government.
- Latest