AFP, PNP maging alerto sa Jakarta attack – Gatchalian
MANILA, Philippines – Hiniling ni Nationalist People’s Coalition (NPC) Rep. Win Gatchalian sa liderato ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) na maging alerto at proactive kasunod ng naganap na terror attack sa Jakarta noong nakaraang linggo.
“Now that the attacks hit much closer to home, it’s high time for authorities to shift from being reactive to taking proactive measures,” wika pa ni Rep. Gatchalian na majority member ng House committees on foreign affairs.
Walo katao ang nasawi sa pag-atake ng Islamic State of Iraq and Syria (ISIS) sa Jakarta kung saan 3 ang sibilyan sa nasawi.
Aniya, hindi dapat balewalain ng AFP ang bantang ito ng terorista kaya dapat maging alerto at bigyan ng sapat na atensyon.
Naunang nagbabala si Rohan Gunaratna ng International Center for Political violence and terrorism research sa Singapore at may-akda ng Insiden al-Qaeda, na posibleng lumikha ng “wilayat” o lalawigan sa Mindanao ang ISIS.
“ISIS is likely to create a safe haven in Basilan and mount operations from the Sulu archipelago into both the Philippines and Malaysia,” dagdag ni Gunaratna.
Sinabi pa ni Gatchalian, posibleng masisi ang AFP sa hindi pagiging handa sa sandaling maglunsad ng katulad na atake ang ISIS sa Pilipinas.
- Latest