P1K umento sa SSS pension isinulong ni SB
MANILA, Philippines – Isinusulong ni House Speaker Feliciano Belmonte ang P1,000 dagdag na pension para sa mga pensyonado ng Social Security System (SSS).
Ito ay compromise umano sa pagkaka-veto ni Pangulong Aquino sa panukalang P2,000 increase sa SSS pension.
Paliwanag ni Belmonte, ang kanyang suhestyon ay hindi na kailangan pang idaan sa kongreso at maaaring ang ehekutibo at pamunuan na ng SSS ang magdesisyon sa pagbibigay ng P1,000 pensyon.
Subalit bago umano ito ay kailangan din munang pagtibayin ng Senado ang nakabinbing panukala dito na magbibigay ng poder sa SSS para magtaas ng kontribusyon nang hindi na kailangan pa ng approval ng Pangulo.
Ang hindi umano pagkakaapruba dito ang itinuturing na dahilan ng pagka-veto ng pangulo sa SSS dahil posible umanong mabangkarote ang ahensiya kung wala itong pinagkukunan ng dagdag pondo.
- Latest