^

Bansa

Banta ng ISIS ‘wag balewalain

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nanawagan sa pamahalaan si Act-CIS partylist Rep. Samuel Pagdilao sa Aquino administration na huwag maliitin at balewalain ang banta ng ISIS sa bansa.

Sinabi ni Pagdilao na dapat seryosohin ng gobyerno ang mga banta ng grupong terorista dahil alam naman umano ng lahat na hindi ito ang unang pagpaparamdam ng mga terorista sa taong ito.

Dahil dito kaya kinalampag ng kongresista ang Armed Forces of the Philippines na huwag maging kampante sa pagturing sa ilang teroristang grupo na sila ay kaalyado din ng grupong ISIS.

Nanawagan din ito sa mga komunidad na maging mapagbantay sa buong bansa upang maging katuwang ng gobyerno sa pag-uulat sa mga kahina-hinalang aktibidad sa kanilang mga lugar.

Ito na rin umano ang magandang pagkakataon upang masubukan ang pangil ng Enchanced Defense Cooperation Agreement (EDCA), Human Security Act at ng AFP Modernization Act upang paigtingin ang seguridad at pagbibigay proteksyon sa mga tao at sa Estado. 

Inihalimbawa naman ni Pagdilao ang Indonesia na isa sa pinakamalaking bansang Muslim sa buong mundo na hindi pinalagpas ng ISIS sa mga karahasan nang pasabugin nito ang ilang bahagi ng Jakarta na kumitil sa dalawang sibilyan at pagkakasugat ng 24 iba pa.

vuukle comment

ANG

AQUINO

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

DAHIL

ENCHANCED DEFENSE COOPERATION AGREEMENT

HUMAN SECURITY ACT

MGA

MODERNIZATION ACT

NANAWAGAN

PAGDILAO

SAMUEL PAGDILAO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with