Nasaan ang sin tax?
MANILA, Philippines – Kinukuwestyon ng Kamara ang Department of Budget and Management (DBM) kung saan napupunta ang kita ng pamahalaan sa sin tax o ang ipinapataw na buwis sa sigarilyo at alak.
Sa House Resolution 1591 na inihain ni Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez, pinagpapaliwanag nito ang DBM kung ano ang mga pinaggastusan sa sin tax.
Giit ni Rodriguez, malinaw sa Republic Act 10351 o Sin tax law na ang ganitong nakokolektamg buwis ay dapat na itinutustos sa Universal Health Care Program.
Bukod dito bahagi din umano ng buwis na ito ay dapat gagastusin sa pagpapatayo ng mga clinic at ospital sa ibat ibang panig ng bansa,
Matatandaan na ang pinagtibay na sin tax law ay dapat magbibigay ng dagdag na P34 bilyon na kita sa pamahalaan kada taon.
Subalit base sa obserbasyon ng mga kongresista, hanggang ngayon ay marami pa din umano sa mga Pilipino ang hindi sakop ng Universal Health Care Program ng pamahalaan at marami pa rin lugar ang walang clinic o ospital.
- Latest