^

Bansa

DQ ni David, Pamatong pinagtibay ng SC

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Kinatigan ng  Korte Suprema ang naunang desisyon  kaugnay sa diskuwalipikasyon  nina Rizalito David at Elly Pamatong  sa 2016 polls sa pagsasabing nuisance candidate ang mga ito.

Batay sa desisyon ng SC en banc, walang pag-abuso sa kapangyarihan ang poll body sa naging pagbasura sa certificate of candidacy (CoC) nina David at Pamatong.

Nauna nang sinabi ng Comelec na nabigo ang dalawa na patunayan ang kakayahan ng mga ito na makapaglunsad ng isang nationwide campaign.

Bago pa man ang SC ruling, tinanggal na ng Kapatiran Party sa kanilang grupo si David dahil sa akusasyon na nagpapa-gamit ito sa ilang mga pulitiko. Si David ay nakilala bilang isa sa petitioners ng disqualification cases ni Sen. Grace Poe.

Habang si Pamatong ay naging laman ng mga balita nang magsunog ito ng bandila ng China at magpakalat ng mga spike sa lansangan.

Si David ay tumatakbong senador, habang pagka-pangulo naman ang nais ni Pamatong.

ANG

BATAY

COMELEC

ELLY PAMATONG

GRACE POE

HABANG

KAPATIRAN PARTY

KORTE SUPREMA

PAMATONG

RIZALITO DAVID

SI DAVID

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with