^

Bansa

Trabaho at serbisyo sa OFW’s pokus ni VP Binay

Ellen Fernando - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Sa unang araw ng kanyang tatlong araw na pagbisita sa United Arab Emirates, nangako si Vice President Jejomar Binay na ipupursige niya ang magandang relasyon sa mga bansa sa Gitnang Silangan na tahanan ng may 2.7 milyong Overseas Filipino Worker.

Tiniyak din ni Binay sa mga manggagawa na, kapag nahalal siyang presidente, magiging prayoridad ng kanyang administrasyon ang paglalaan ng mga trabaho sa Pilipinas para ma­ging usapin na lang ng pagpili sa halip na pangangailangan ang pagtatrabaho sa ibang bansa.

Nangako rin siya na pag-huhusayin ang pagsisikap ng pamahalaan na tulungan ang mga gipit na OFW kasabay ng paggigiit sa kanyang panukalang lumikha ng isang espesyal na tanggapan ng pamahalaan na tutulong sa mga pamilya ng OFW na ang kaanak ay may kinakaharap na blood money case.

Sa kasalukuyan ay merong 900,000 manggagawang Pilipino sa UAE, ayon sa  2013 Commission of Filipino Overseas Compendium of Statistics. Batay naman sa UAE Labor Ministry, merong 574,336 Pilipino sa naturang bansa hanggang noong 2014.

Sa Abu Dhabi, nakipagpulong ang Bise Presidente kay Crown Prince of Abu Dhabi at Deputy Supreme Commander of the UAE’s Armed Forces, Sheikh Mohamed Bin Zayed Al Nahyan.

“Nakakagulat ang pulong. Sinabi lang sa amin nga­yong Martes. Hindi ito bahagi ng is­kedyul. Pero isa siyang ma­gandang oportunidad,” sabi ni Binay. “Sinabi ni Sheikh Mohammad na nais niyang duma­law sa Pilipinas sa hinaharap.”

Dinalaw din ni Binay ang 39 na OFW na nasa pangangalaga ng Philippine Overseas Labor Office. Kabilang dito ang mga biktima ng pagmamaltrato at human trafficking. Tinalakay dito ni Binay ang kanilang mga kaso at nangako na tutulungan silang makauwi sa Pilipinas.

Naging panauhing panda­ngal din si Binay sa isang Filipino community event na handog ng Bayanihan Council.

ACIRC

ANG

ARMED FORCES

BAYANIHAN COUNCIL

BINAY

BISE PRESIDENTE

COMMISSION OF FILIPINO OVERSEAS COMPENDIUM OF STATISTICS

CROWN PRINCE OF ABU DHABI

DEPUTY SUPREME COMMANDER

GITNANG SILANGAN

PILIPINAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with