^

Bansa

Inclusive growth hindi nagkatotoo kay PNoy – Gatchalian

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nabigo si Pangulong Aquino na tuparin ang pangako nitong inclusive growth sa ilalim ng kanyang administrasyon matapos lumitaw na nasa 11 milyong pamilyang Filipino ang nagsasabing mahirap pa rin sila kahit umunlad ang ekonomiya sa survey ng Social Weather Station sa 4th quarter ng 2015.

Ayon kay Nationalist Peoples Coalition (NPC) Rep. Gatcha­lian ng Valenzuela City, nasa 11.2 milyong pamilyang Filipino ang nanatiling mahirap habang 7.4 milyon pang Pinoy ang itinuturing na food-poor sila.

Aniya, malinaw na ang pag-unlad ng ekonomiya sa nakalipas na 5 taon ng Aquino administration ay hindi naramdaman ng mga Filipino at hindi pa rin gumanda ang kanilang buhay at nanatiling mahirap pa rin ang mga ito.

“Panahon na po para sa isang gobyernong may pagkalinga at may tunay na malasakit sa mahihirap. Isang gobyernong may kunsensya at dignidad. Gobyernong gagawin ang lahat para masolusyunan ang suliranin na kinakaharap ng karaniwang Pinoy. Panahon na po para sa isang gobyernong walang pinipili at walang iniiwanan,” paliwanag pa ng pambato ng senatorial candidate ng NPC sa May 2016 elections.

Idinagdag pa ni Gatchalian, ang edukasyon pa din ang susi sa pag-unlad kaya sa sandaling manalo siya sa darating na 2016 senatorial race ay isusulong niya ang quality education at accessible education para sa lahat.

Naghain sa Kamara ng House Bill No. 5905 o “Free Higher Education Act” si Gatchalian na magsu-subsidize sa tuition fee sa lahat ng state universities and colleges sa mag-aaral sa kolehiyo.

ANG

FREE HIGHER EDUCATION ACT

GATCHALIAN

HOUSE BILL NO

NATIONALIST PEOPLES COALITION

NBSP

PANAHON

PANGULONG AQUINO

PINOY

SOCIAL WEATHER STATION

VALENZUELA CITY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with