^

Bansa

Away ni Bautista, Guanzon ayos na

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Tahasang sinabi ni Commission on Elections (Comelec) Commissioner Arthur Lim  na tapos na ang bangayan sa pagitan nina Comelec Chair Juan Andres Bautista at Maria Rowena Guanzon.

Ayon kay Lim, anumang gusot ay naayos na at dapat nang kalimutan.

“Ang mahalaga ay natapos na ang gulo. So all is well that ends well,” ani Lim.

Nagkaroon ng wordwar sina Bautista at Guanzon bunsod na rin ng pagsusumite ng  comment  ng huli sa Korte  Suprema kaugnay ng apela ni  Senator Grace Poe sa kanyang disqualification case sa 2016 presidential  election ng walang approval ng Comelec en banc.

Sinabi ni Lim na maayos ang Comelec at nagkakaisa sila upang maipatupad ang anumang nakasaad sa Konstitusiyon.

Mas pinagtutuunan nila ngayon ng pansin  ay ang preparasyon para sa halalan  upang maiwasan ang anumang aberya.

Tiniyak ni Lim sa publiko na nasa tamang  direksiyon ang Comelec kaugnay ng gaganaping halalan kung saan inaasahan na ang pagdating ng mga voting machines sa bansa.

Humarap sa media ang pitong miyembro ng Comelec en banc  na kinabibilangan nina Bautista, Commissioners Guanzon, Christian Robert Lim, Luie Tito Guia, Al Parreño, Sheriff Abas at Arthur Lim.

AL PARRE

ANG

ARTHUR LIM

BAUTISTA

CHRISTIAN ROBERT LIM

COMELEC

COMELEC CHAIR JUAN ANDRES BAUTISTA

COMMISSIONER ARTHUR LIM

COMMISSIONERS GUANZON

LIM

NBSP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with