^

Bansa

Executive agreement ni PNOY at EDCA, legal – Korte Suprema

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Legal umano ang ginawang pagpasok sa isang executive agreement ni Pangulong Noynoy Aquino at  Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA).

Ayon sa Korte Suprema, may kapangyarihan si PNoy para sa isang executive agreement na may kinalaman sa foreign military bases na salig sa itinatakda ng Article 18, Section 25 ng 1987 Constitution kaya’t ibinasura ng SC ang mga petisyon na kumukwestiyon sa EDCA.

Ipinaliwanag ng  SC na  ang EDCA ay isang executive agreement para sa pagpapatupad ng mga tratado na nagpapahintulot ng presensya ng mga dayuhang sundalo o dayuhang military facility sa bansa.

Ang nasabing mga tratado ay ang Visiting Forces Agreement at Mutual Defense Treaty .    At dahil ang EDCA ay isa umanong executive agreement, hindi na ito kailangan pang ratipikahan ng Senado.
Bunsod nito, idineklara ng Korte Suprema na ang EDCA ay constitutional. 10-4 ang resulta ng botohan pabor sa EDCA.

Si Chief Justice Maria Lourdes Sereno ang nagponente ng desisyon.

Ang apat na mahistradong bumoto laban sa constitutionality ng EDCA ay sina: Justices Teresita Leonardo De Castro, Arturo Brion, Estela Perlas-Bernabe at Marvic Leonen.

Nag-inhibit sa botohan si Justice Francis Jardeleza dahil siya ay dating Solicitor General at dating humawak sa kaso ng EDCA.

ANG

ARTURO BRION

EDCA

ENHANCED DEFENSE COOPERATION AGREEMENT

ESTELA PERLAS-BERNABE

JUSTICE FRANCIS JARDELEZA

JUSTICES TERESITA LEONARDO DE CASTRO

KORTE SUPREMA

MARVIC LEONEN

MUTUAL DEFENSE TREATY

NBSP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with