Comelec tatalakayin kung may bisa ang komento ni Guanzon sa SC
MANILA, Philippines – Nakatakdang pag-usapan ng Commission on Elections (Comelec) en banc kung may bisa ba ang ipinasang komento ni Commissioner Rowena Guanzon sa Korte Suprema kaugnay ng disqualification case laban kay Sen. Grace Poe.
Naghain ng komento si Guanzon sa mataas na hukuman nitong Enero 7 ngunit sinabi ni Comelec Chair Juan Andres Bautista na hindi pa nila ito napagkasunduan ng en banc bago ipasa.
Nagkaroon ng gusot sa pagitan ng dalawang opisyal matapos bigyan ni Bautista ng memorandum si Guanzon, kung saan pinagpapaliwanag niya ang commissioner sa inihaing komento.
BASAHIN: Away nina Bautista at Guanzon lumala pa
Kahapon ay naghain ng hiwalay pang komento ang Comelec en banc kaugnay ng petisyon ni Poe na ibasura ang kanilang desisyon na diskwalipikahin siya.
Ipinaliwanag ni Bautista na inatasan si Guanzon na gumawa ng draft comment sa hinihinging komento ng Korte Suprema.
"During our January 5 meeting, Commissioner Guanzon was tasked together with the Law Department to create a draft for the three petitions – Contreras, Tatad and Valdez -- and Commissioner Art Lim who was requested by the en banc to draft a comment for the petition of Atty. Estrella Elamparo, again together with assistance of the Law Department," paliwanag ni Bautista.
Nagmatigas si Guanzon at sinabing hindi niya boss si Bautista at walang kapangyarihan ang chairman na utusan siya.
My statement on the Memorandum sent by Chair Bautista. pic.twitter.com/YEtPhnToLz
— Rowena V. Guanzon (@commrguanzon) January 8, 2016
Nais naman ni Bautista na maplantsa na ang gusot sa kanila ni Guanzon.
"I also wanted to say, projecting the Comelec in this array I think is not accurate. Meron lang hindi pagkakaunawaan tungkol sa process ng pag-file kung kaya't gusto nating i-clear or linawin sa aming en banc meeting," sabi ni Bautista.
Bukod sa Comelec ay hiningian din ng Korte Suprema ng komento ang mga naghain ng disqualification case kay Poe.
Nauna nang naglabas ng temporary restraining order ang mataas na hukuman sa desisyon ng Comelec kaya naman nananatiling kandidto si Poe sa pagkapangulo.
- Latest