Komento sa apela ni Poe, pirmado ng 7 commissioner
MANILA, Philippines – Pirmado ng pitong commissioners ng Commission on Elections (Comelec) ang second comment na kanilang isinumite sa Korte Suprema kaugnay sa apela ni Sen. Grace Poe sa kanselasyon ng kanyang certificate of candidacy.
Ayon kay Comelec Spokesperson Atty. James Jimenez, nagkaroon ng pagkakataon na mag-comment ang mga commissioners.
Ang pagkakapirma ng pitong commissioner ay nangangahulugan lamang na desisyon iyon ng en banc.
Samantala, hindi naman nadesisyunan ng Comelec en banc kung idedeklarang unauthorized ang isinumite comment ni Guanzon noong nakaraang linggo sa SC. Hindi pa umano malinaw kung ano ang treatment ng en banc.
- Latest