^

Bansa

DQ vs Duterte, ibinasura

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Ibinasura ng Commission on Elections (Comelec) ang isa sa mga disqualification cases na nakahain laban kay Davao City Mayor at presidential aspirant Rodrigo Duterte.

Ito ang kinumpirma ng legal counsel ni Duterte na si Atty. Vitaliano Aguirre sa pagsasabing dinismis na ng komisyon ang petis­yon ni UP Diliman student council chair John Paulo delas Nieves.

Naghain din ng disqua­lification case laban kay Duterte sina Elly Pamatong at Rizalito David. Ang tatlong kaso ay nasa ilalim ng Comelec First Division.

Nakasaad sa pamantayan ng Comelec na maa­aring ibasura ang petition kung mabibigo ang petitioner na dumalo sa pagding.

Bagama’t wala rin si Duterte sa hearing, regular namang dumadalo ang kaniyang abogadong sina Atty. Vitaliano Aguirre at Atty. Al Argosino.

Ang reklamo ni Delas Nieves ay kaugnay ng pagkwestyon nito sa substitution ng alkalde kay Martin Diño na aniya ay hindi naman legitimate candidate.

Maliban dito, may iba pang disqualification cases na kinakaharap si Duterte.

ACIRC

AL ARGOSINO

ANG

COMELEC

COMELEC FIRST DIVISION

DAVAO CITY MAYOR

DELAS NIEVES

DUTERTE

ELLY PAMATONG

JOHN PAULO

VITALIANO AGUIRRE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with