^

Bansa

Comelec officials, pinatatahimik

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Pinatatahimik ng isang kongresista ang mga opis­yal ng Commission on Elections (COMELEC) na nagbabangayan.

Ayon kay House Committee on Suffrage and Electoral Reforms chairman Fredinil Castro dapat manahimik o “Keep your mouths shuts” sina  Co­melec Chairman Andres Bautista at Commissioner Rowena Guanzon.

Giit ni Castro dapat na magpakahinahon sina Bautista at Guanzon para mabawi nila ang kani-kanilang composure.

Hindi ang bangayan sa Comelec ang kaila­ngan ng bansa ngayon kundi ang nagkakaisang komisyon para maisakatuparan ang mapayapa at kapani-paniwalang halalan sa Mayo.

Sa halip umano na mag-iringan nararapat na magkaisa ang dalawang opisyal at magkasundo sa kanilang mga hakbang lalo na ngayong nasa kasagsagan ng preparas­yon para sa darating na eleksyon.

Para naman kay Castro, nagkaroon ng error in judgement sa panig ni Guanzon ng maghain ito ng komento sa Korte Suprema na umano’y hindi otorisado ng Comelec En Banc.

Hindi naman umano kwestiyon dito kung gaano kagaling si Guanzon kundi ang isyu ay ang pagtayo ng Comelec bilang isang institusyon sa komentong inihain sa Korte Suprema.

 

ACIRC

ANG

CHAIRMAN ANDRES BAUTISTA

COMELEC

COMELEC EN BANC

COMMISSIONER ROWENA GUANZON

FREDINIL CASTRO

GUANZON

HOUSE COMMITTEE

KORTE SUPREMA

SUFFRAGE AND ELECTORAL REFORMS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with