^

Bansa

Sa nakakalat na Comelec checkpoint 17 katao huli sa gun ban

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Umaabot na sa 17 katao ang nasakote ng mga awtoridad kaugnay ng pagpapatupad ng election gun ban para sa gaganaping pambansa at lokal na halalan sa Mayo ng taong ito.

Ayon kay PNP Spokesman Chief Supt. Wilben Mayor, kabilang sa mga nasakote sa gun ban ay 14 sibilyan at isang security guard.

Bukod pa rito ang iniulat naman ng AFP na dalawa pa ang nasakote naman sa paglabag sa gun ban sa Panglima Estino, Sulu.

Tatlo sa mga nasakote sa paglabag sa gun ban ay Julius Labor, 38   na nakunan ng isang cal. 45 pistol; Dondon delos Santos, 35, nakumpiskanan ng isang cal 9 MM; kapwa  ng Talacogon, Agusan del Sur; Ramon Simbron 37, security guard na nakunan naman ng isang cal. 38 revolver at iba pa.

Ayon naman kay Brig . Gen Alan Arrojado, Commander ng Joint Task Group Sulu, arestado rin kamakalawa sa checkpoint ang mga suspek na sina Nadzfar Imjani, 19 anyos at Altano Sahidjuan, 25 taong gulang na nasamsaman ng isang cal 45 pistol na may anim na bala  sa checkpoint sa Brgy. Tiptipon, Panglima Estino sa Sulu.

Ang gun ban ay nagsimulang ipaimplimenta nitong Enero 10 kaugnay ng pagsisimula ng election period na tatagal hanggang Hunyo 8 o isang buwan matapos ang eleksyon.

Inihayag ni Mayor na na­­kasamsam din ng 13 baril ang mga awtoridad kung saan tig tatlo rito ay sa Regions 13, 10 at 7; dalawa sa Region IV-A at tigisa naman sa ARMM at Region 8.

Samantalang pinakamarami sa mga nakum­piska ay mga bala, mala­lakas na kalibre ng armas at isang replica. Ang mga nakumpiskang mga armas ay karamihan ay sa isinagawang checkpoint operations ng pinagsanib na elemento ng pulisya at militar.

Sa kasalukuyan, ayon pa sa opisyal ay umaabot na sa 1,736 ang inilatag na chokepoints at checkpoints sa mga kritikal na lugar kaugnay ng pagdaraos ng halalan.

Nilalayon ng checkpoints na masawata ang paglaganap ng mga loose firearms o mga baril na walang lisensya sa buong panahon ng kampanya kasabay ng pag-iral ng gun ban policy ng Comelec.

Sa panig naman ng AFP, sinabi ni AFP Public Affairs Office Chief Col. Noel Detoyato na inilarga na rin nila ang mga chokepoints partikular na sa mga kritikal o istratehikong lugar sa mga probinsya na may banta ng mga armadong grupong kalaban ng estado.

Samantala sa Pasig City, isang teenager din ang inaresto sa inilatag na Comelec checkpoint, kahapon ng umaga.

Nakilala ito na si Amado Cruz, 18, nakatira ng  Brgy. Sumilang, sa lungsod. (Dagdag na report ni Mer Layson)

ACIRC

ALTANO SAHIDJUAN

AMADO CRUZ

ANG

AYON

BRGY

COMELEC

ISANG

MGA

NBSP

PANGLIMA ESTINO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with