Comelec ibinasura ang DQ case vs Duterte
MANILA, Philippines – Ibinasura ng Commission on Elections (Comelec) First Division ngayong Lunes ang isa sa mga disqualification case na inihain laban kay presidential candidate at Davao City Mayor Rodrigo Duterte.
Hindi nakadalo ang nagreklamong si University of the Philippines University Student Council Chair John Paulo delas Nieves sa preliminary conference ng kaso kaya naman hindi na ito diringgin pa ng poll body.
Kinuwestyon ni Nieves ang pagiging substitute candidate ni Duterte kay dating Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) standard-bearer Martin Diño.
Pinuna rin ni Nieves ang inilagay ni Diño sa kaniyang certificate of candidacy na tatakbo siyang alkalde ng Pasay at hindi sa pagkapangulo.
Nitong Enero 6 ay pinagsama-sama na rin ng First Division ang tatlong disqualification case laban kay Duterte dahil sa pagkakapareho.
Dalawang reklamo pa kontra sa Davao City mayor ang nakatakdang dinggin ng Comelec.
- Latest