Abaya sa pangakong pagpapasagasa ni PNoy sa tren: Excited lang
MANILA, Philippines – Dahil sa kagustuhang maibigay sa publiko ang magandang serbisyo, nadala lamang umano ng excitement si Pangulong Benigno Aquino III nang mangakong magpapasaga siya sa tren kapag hindi nagawa ang Light Rail Transit (LRT) Line-1 extension sa 2015, ayon kay Transportation Secretary Joseph Emilio Abaya.
"Excited lang si pangulo... Campaign events tend to excite. It's just the desire to deliver service," paliwanag ni Abaya sa kaniyang panayam sa ABS-CBN News Channel ngayong Lunes.
Noong 2013 ay sinabi ni Aquino na magpapasagasa sila ni Abaya at nitong nakaraang buwan ay inulan sila ng batikos mula sa publiko nang hindi nga natapos ang LRT extension.
Nauna na ring ipinagtanggol ni Communications Secretary Herminio Coloma Jr. si Aquino sa kaniyang naging pahayag at humingi ng pag-unawa.
"President Aquino was not incorporating failed bids in his speech. These are unfortunate, fortuitous events so we eventually awarded this," patuloy pa ni Abaya.
Aniya gumugulong na naman ang pagsasagawa ng LRT extension sa pagbibigay ng proyekto sa Ayala, Metro Pacific at Macquarie Investments nitong Setyembre.
Sa kabila ng mga pambabatikos na inabot ay nanindigan si Abaya na hindi siya magbibitiw sa pwesto maliban na lamang kung si Aquino ang magsabi nito.
"I can go anytime... I see President Aquino very often and you know when he wants you to go. I'm here to serve. I'm here to help him," sabi ni Abaya.
- Latest