^

Bansa

Poe pinaaatras sa Mamasapano probe

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nanawagan si Senador Alan Peter Cayetano kay Senador Grace Poe gayundin sa ibang mga tatakbo sa 2016 elections na mag-inhibit sa muling imbestigasyon ng Senado sa Mamasapano upang hindi paghinalaan ng pamumulitika.

Tinutukoy ni Cayetano ang imbestigasyon sa enkuwentro ng puwersa ng pamahalaan at ng mga rebelde sa Mamasapano sa Maguindanao noong nakaraang taon na ikinasawi ng 44 tauhan ng Special Action Force ng Philippine National Police.

“Makakabuting ipasa ni Sen. Poe sa vice chairman ng komite o sa isang senador na hindi kumakandidato sa eleksyon ang pangungulo sa im­bestigasyon at maaari na lang siyang magmonitor sa pagdinig. Gagawin ko rin iyan,” sabi ni Cayetano na kumakandidatong bise presidente habang si Poe ay kandidatong presidente.

Aniya, siya ay kusang mag-i-inhibit sa imbestigasyon muli ng Mamasapano at magsusumite lamang siya ng mga tanong.

 

ACIRC

ANIYA

CAYETANO

GAGAWIN

MAGUINDANAO

MAKAKABUTING

MAMASAPANO

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

SENADOR ALAN PETER CAYETANO

SENADOR GRACE POE

SPECIAL ACTION FORCE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with