^

Bansa

Mga menor de edad nasagip sa prostitusyon

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Anim na biktima ng human trafficking kabilang ang 3 menor de edad at isang pipi’t bingi ang nailigtas ng mga operatiba ng National Bureau of Investigation (NBI) sa isinagawang entrapment operation sa Las Piñas City, kamakalawa.

Nabatid mula sa NBI-Anti-Human Trafficking Division na ibinubugaw ang mga biktimang pawang out-of-school youth sa kalye sa halagang P500 hanggang P1,500 o di kaya ay  dinadala ito ng bugaw sa mismong kliyente kung saan magkikita tulad ng motel.

Naaresto ang isang buntis na ginang na  sinasabing responsable sa pambubugaw sa isang lugar sa Zapote, Las Piñas City kamaka­lawa ng gabi.

Nagpanggap na customer ang ilang NBI agent na nakakuha ng babaeng menor de edad para sa pananda­liang aliw.

Matapos mabayaran ang mga babae sa suspek ay dinakip ito at dinala sa NBI headquarters maging ang mga biktima na ilalagak sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Kasama ring inaalam pa ng NBI ang pakikipagsabwatan umano ng motel at apartelle na ginagamit o pinagdadalhan sa mga babaeng prostitutes. Sakaling mapatunayan na may alam ang management sa nasabing aktibidad maari rin sampahan ang may-ari nito at mga staff ng paglabag sa Republic Act 9208 o Anti-Human Trafficking Act.

ACIRC

ANG

ANTI-HUMAN TRAFFICKING ACT

ANTI-HUMAN TRAFFICKING DIVISION

ATILDE

DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT

KASAMA

LAS PI

MATAPOS

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

REPUBLIC ACT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with