^

Bansa

Bill of Rights ng taxi passengers isinulong ni Win

Butch Quejada, Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Pinamamadali ni Valenzuela Rep. Win Gat­chalian ang pagpasa ng House Bill 3681 o ang Bill of Rights of Taxi Passengers.

Ito ay upang maproteksyunan ang mga pasahero ng taxi matapos na mag-viral sa social media ang pambabastos ng isang taxi driver sa babaeng pasahero nito matapos na tumangging magbigay ng karagdagang bayad sa metro nito.

Ipinakita sa Facebook account ni Joana Garcia kung paano siya tinakot at trinato ng drayber nang hindi siya pumayag na magbayad ng P250.00 para ihatid siya sa POEA dahil ang gusto ng biktima ay bayaran lamang ang halaga ng metro sa taxing sinasakyan niya.

Ayon kay Gat­chalian, ng mapanood niya sa face­book ang video ay hindi niya maiwasang ma­galit dahil sa ang mga pasahero lalo na ang mga kababaihan ay lantad sa pag-aabuso ng mga taxi drivers na maaari namang maiwasan kung may batas para sa karapatan ng mga pasahero ng taxi.

Marami na rin uma­nong natatanggap na reklamo mula sa kanyang mga cons­tituents at mga kaibigan ang kongresista tungkol sa mga taxi dri­ver kaya ito ang naging dahilan para ihain nito ang “Bill of Rights of Taxi Passengers” at isulong ang pagsasabatas nito.

ACIRC

ANG

BILL OF RIGHTS

BILL OF RIGHTS OF TAXI PASSENGERS

HOUSE BILL

JOANA GARCIA

MGA

SHY

TAXI

TAXI PASSENGERS

VALENZUELA REP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with