^

Bansa

Hindi kami umabuso vs kaso ni Poe - Comelec

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Walang pang-aabuso sa kaso ni Sen. Grace Poe. Ito ang sagot ng Comelec sa petition ni Poe sa Korte Suprema na kanselahin ang disqualification nito sa 2016 presidential race.

Sa 73 page comment ni Comelec Commissioner Rowena Guanzon, hindi nang-abuso ang Comelec nang pagtibayin ng dalawang division ng komisyon ang desisyon sa kanselasyon ng certificate of candidacy (COC) para sa pakapangulo ni Poe.

Paliwanag ng Come­lec, hindi maaaring sabihing nang-abuso ang komisyon sa tungkulin kung ang desisyon ay batay sa  pamantayan at naaayon sa ebidensiya.

Disyembre 23, 2015 nang kuwestiyunin ni  Poe sa SC ang desisyon ng First at Second  Division ng Comelec na nagkakansela ng kanyang kandidatura.

Hinabol ng Comelec ang kanilang comment sa kabila ng kawalan ng abogado ng poll body na dedepensa sa kanilang panig, matapos umatras ang Office of the Solicitor General (OSG) dahil kinakatawan na nila ang Senate Electoral Tribunal (SET) na may posis­yong pabor sa citizenship ng senadora.

Sa first division ng Comelec en banc, inilabas ang 5-2 pabor sa petisyon nina dating Senator Francisco Tatad, political analyst Antonio Contreras at dating law dean Amado Valdez kung saan kinukuwestiyon ang citizenship at residency ni Poe.

Naging 5-1-1 naman ang desisyon ng Se­cond Division sa petisyon ni Atty. Estrella Elamparo bunsod na rin ng umano’y bigong  makakuha ng 10-year residency para sa pagkandidato nito sa pagkapangulo.

ACIRC

AMADO VALDEZ

ANG

ANTONIO CONTRERAS

COMELEC

COMELEC COMMISSIONER ROWENA GUANZON

ESTRELLA ELAMPARO

GRACE POE

KORTE SUPREMA

NBSP

OFFICE OF THE SOLICITOR GENERAL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with