Duterte disaster sa mga druglords, kriminal, tiwali – Cayetano
MANILA, Philippines – Kinontra ni Sen. Alan Peter Cayetano ang pahayag ni Sen. Antonio Trillanes IV tungkol sa sasapitin ng bansa kapag si Davao City Mayor Rodrigo Duterte ang mananalo sa pagkapangulo.
Sinabi ni Cayetano na magiging “disaster” ang pagiging pangulo ni Duterte sa mga taong may ginagawang mali.
“Yes, a Duterte presidency will be a disaster. It will be a disaster for drug lords, criminals and corrupt public officials," wika ng running mate ng Davao City mayor.
“The only people who are afraid of a Duterte leadership are those who benefit from corruption and unabated criminality,” dagdag ni Cayetano.
BASAHIN: Nagawa ni Duterte sa Davao, hindi uubra sa Pinas – Trillanes
Sa isang panayam kasi sa telebisyon ay sinabi ni Trillanes na kawawa ang bansa kapag si Duterte ang uupong pangulo.
Aniya mas pipiliin pa niya si Bise Presidente Jejomar Binay na manalo kaysa kay Duterte na nagsabing susugpuin ang krimen sa loob ng tatlo hanggang anim na buwan.
“His method may have worked in Davao, but it’s definitely not going to work in the national scale. You don’t run the country like that. There should be a vision, a program of action that you would actually have to enumerate,” wika ni Trillanes sa ABS-CBN News Channel.
Pinasinungalingan naman ni Cayetano ang sinabi pa ni Trillanes na walang konkretong plano si Duterte sa bansa.
"Maybe Sen. Trillanes is not paying enough attention. Of all the presidential candidates, only Mayor Duterte has bold solutions to address crime, corruption and illegal drugs. He also has a comprehensive framework on how to spread development to the regions and alleviate the plight of the working people. This is what the Filipino people find inspiring in Mayor Duterte," pagtatanggol ni Cayetano.
Makakalaban ni Cayetano ang kapwa senador na si Trillanes para sa pagkabise presidente sa nalalapit na eleksyon sa Mayo.
- Latest