^

Bansa

Batas vs paputok ipatupad - Gatchalian

Butch Quejada at Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Hiniling ni Valenzuela City Rep. Win Gatcha­lian sa PNP na mahigpit na ipatupad ang batas laban sa illegal na paputok kasabay ang panawagan na magsagawa ng crackdown laban sa gumagawa ng illegal na paputok sa bansa.

Katuwiran ng kongresista, mababalewala lang ang firecracker ban kung hindi rin naman matitigil ang paggawa nito.

Aniya, kahit maipatupad pa ang panawagan na tuluyang pagbabawal sa lahat ng uri ng paputok gaya ng panawagan ni Health Sec. Janet Garin ay mawawalan ng saysay kung hindi maipapatupad ng mahigpit ng pulisya ang provisions sa Republic Act No. 7183 o batas ukol sa fireworks industry.

Ipinagtataka naman nito kung bakit nagagawa ng media na matunton ang mga pagawaan ng delikadong paputok habang ang mga otoridad sa Bulacan ay tila nangangapa.

At kung magawa man umano ng mga ito na kumpiskahin ang mga ipinagbabawal na papu­tok ay wala namang naaaresto.

Matatandaan na naghain ng panukala si Gatchalian para amyendahan ang kasalukuyang batas kontra sa paputok kung saan hihigpitan ang pagbili at pagbebenta nito at tinaasan rin ang multa at parusa sa mga lalabag.

ACIRC

ANG

ANIYA

BULACAN

GATCHALIAN

HEALTH SEC

HINILING

JANET GARIN

REPUBLIC ACT NO

VALENZUELA CITY REP

WIN GATCHA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with