^

Bansa

Habang nakikibaka si Grace sa DQ Chiz nag-Pasko sa Japan

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Binatikos ng mga taga suporta ni Senator Grace Poe ang ka-tandem nito na si Sen. Chiz Escudero dahil sa pagbabakasyon nito sa Japan nung kapaskuhan kasabay ng kasagsagan ng laban ni Poe sa kanyang disqualification case.

Ayon sa Philippine Crusaders for Justice, hindi sila naniniwalang may simpatiya si Escudero sa laban ni Poe sa kinahaharap nitong disqualification case. Pinuna pa nito na nagtungo sa Hongkong ang senadora kamakailan para mangampanya sa mga OFW ngunit hindi rin nito kasama si Escudero lalo pa at hindi umano maitatanggi na malaki ang voters turnout ng mga OFW sa Hongkong kaya naman mahalaga sana kung nandoon ang tandem ng dalawa.

“Ganyan talaga ata si Sen. Chiz, may nasasamahan at nasasandalan na kasing bagong partido kaya happy siya ng iwan si Senator Poe. Tama lang talaga ang bansag namin sa kanya na Ahascudero!  Boy Laglag! Boy Abandon! Ngayon Boy Bakasyonista! ayon kay Kim Garcia, spokesperson ng PCJ.

Kamakailan ay nag-rally sa Supreme Court ang PCJ bilang suporta kay Poe sa paghingi nito ng saklolo sa kataas-taasang hukuman ngunit kasabay nito ay tinuligsa din ng grupo si Escudero na iniwan umano si Poe sa ere.

Sinabi ng grupo na dapat sisihin si Escudero sa mga dinadaanang pagsubok ni Poe dahil siya ang nag-udyok sa Senadora na tumakbo sa pagka-pangulo at tumayo si Escudero na campaign strategist at legal adviser nito.

Giit ng grupo, nawalan ng matinding kalaban si Escudero sa pagka VP nang mapapayag niya si Poe na tumakbong pa­ngulo. Si Poe ay minsan ng pinag-agawan ng mga ibang presidentiables bilang Vice-Presidential candidate dahil sigurado ang panalo nito ayon sa mga nakaraang survey.

Kung matatandaan, si Escudero ang nasa likod ng Noy-Bi 2010 o Aquino-Binay tandem nung 2010 elections kahit ang katambal ni President Noynoy Aquino ay si Mar Roxas.

Ayon naman kay Cong. Edgar Erice, head ng political affairs ng Liberal Party, maging sila ay may hinala na naglalatag na ang Binay-Escudero 2016 dahil ni minsan ay hindi sinisi ni Escudero ang kampo ni VP sa mga disqualification cases laban kay Poe kahit ang alyado ni Binay na si Cong. Toby Tiangco ang nagbunyag ng problema sa citizenship at residency ng senadora. Ang sinisisi anya ni Escudero ay ang Liberal Party.

ANG

AYON

BOY ABANDON

BOY LAGLAG

CHIZ ESCUDERO

EDGAR ERICE

ESCUDERO

KIM GARCIA

LIBERAL PARTY

NITO

POE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with