Indiscriminate firing, paggamit ng illegal na paputok kunan ng video, litrato - PNP
MANILA, Philippines - Sa halip na ubusin ang oras sa pagse-selfie, hinikayat ng Philippine National Police (PNP) ang publiko na kunan ng larawan at video ang sinumang masasangkot sa indiscriminate firing, gumagamit ng illegal na paputok at iba pa kaugnay ng pagsalubong sa Bagong Taon.
Ayon kay PNP Spokesman Chief Supt. Wilben Mayor, malaki ang maitutulong ng mamamayan para madaling maaresto at mapanagot sa batas ang mga pasaway na personalidad.
Una nang ipinagbawal ni PNP Chief Director General Ricardo Marquez ang indiscriminate firing o illegal discharge of firearms at paggamit ng mga bawal na paputok alinsunod sa Ligtas Paskuhan 2015 upang maiwasan ang makadisgrasya lalo na ang mga inosenteng sibilyan.
“We encourage everyone to take photos and videos of those who fire their guns indiscriminately and those without any justifiable reasons especially during New Years celebration,” pag-apela ni Mayor.
Sa tala ng PNP, nasa pito katao na ang naaresto sa indiscriminate firing kabilang ang isang rookie cop na ngayo’y nahaharap sa kasong kriminal at administratibo.
Si PO1 Francis Nepomuceno Rake, 29, ay nahuli sa aktong walang habas na nagpapaputok ng kaniyang Glock 17 Gan 4 pistol sa Malate, Maynila noong Disyembre 22.
Bukod sa indiscriminate firing ay mainam rin na kunan ng larawan at video ang mga gumagamit ng bawal na paputok sa pagsalubong sa Bagong Taon.
Ang video at mga larawan na makukunan ng netizens ay magagamit na ebidensya ng mga pulis para masampahan ng kaso at mapanagot sa batas ang sinumang mga pasaway na indibidwal.
- Latest