^

Bansa

11 timbog sa Quezon City drug raid

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Naaresto ng mga ope­ratiba ng Quezon City Police District (QCPD) ang 11 katao nang salakayin ang isang drug den sa Barangay Escopa II sa lungsod.

Sa ulat na ipinadala kay QCPD Director P/Chief Supt. Edgardo Tinio, ang mga suspect ay nakilalang sina Joey Advincula; Jonathan Fedeles; Edgar Cadorna; Ren-ren Rendon; Cristina De Leon; Ricky Regalado; Angelita Autida; John Lester; Armando Solmarin; Aldrin Collantes at Antonio Cruz.

Ayon kay Tinio, naaresto ang mga suspect ng mga tropa ng District Anti-illegal Drugs Special Operations Task Group (DAIDSOTG) sa pamumuno ni P/Chief Insp. Enrico Figueroa, sa raid sa isang bahay sa no. 3 Topside, C-5 Road, Brgy. Escopa II, Project 4, alas 10:30 ng gabi.

Sinasabing ang nasa­bing bahay ay ginagawang batakan ng mga drug addict lalo na ng mga estud­yante dahil malapit lang ito sa mga opisina at paaralan.

Ang naturang den ay minamantine ng mga suspect na sina Ricky Regalado at Cristina de Leon na todo naman ang tanggi sa nasabing isyu.

Nasamsam sa lugar ang siyam na piraso ng plastic sachet ng shabu, timbangan at mga drug paraphernalia.

Kasong paglabag sa R.A. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang kinakaharap ngayon ng mga suspect habang nakapiit sa Camp Karingal.

ACIRC

ALDRIN COLLANTES

ANG

ANGELITA AUTIDA

ANTONIO CRUZ

ARMANDO SOLMARIN

BARANGAY ESCOPA

CAMP KARINGAL

CHIEF INSP

MGA

RICKY REGALADO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with