Road closure, rerouting sa Maynila sa Black Nazarene procession
MANILA, Philippines – Pinaalalahanan ang mga motorista na gumamit ng mga alternatibong daan sa dalawang magkahiwalay na kaganapan ngayong araw sa lungsod ng Maynila.
Batay sa traffic advisory, simula alas-4:00 ng madaling araw hanggang alas- 11:00 ng umaga ay isasara na ang north at southbound lane ng Quezon Boulevard sa Quiapo, mula Andalucia st., kanto ng V. Fugoso St. hanggang sa Quezon Bridge; service road sa Isetann Quezon Blvd; España Ave.; P.Campa st.; Lerma st.; Eastbound lane ng CM Recto Avenue mula Rizal Ave. hanggang S.H Loyola St.
Dahil dito, pinapayuhan ang mga motorista na kung magmumula sa España Ave. patungong southern part ng Maynila ay kailangan kumaliwa sa Nicanor Reyes st. patungo sa kanilang destinasyon.
Sa mga dadaan sa Quezon Blvd. na nagmula sa Andalucia ay dapat kumanan sa Fugoso st., at kumaliwa sa Rizal Ave. patungo sa kanilang destinasyon.
Sa manggagaling sa Divisoria area na babagtas sa eastbound lane ng CM Recto Ave. ay kanan o kaliwa sa Rizal Avenue.
Gayundin ang mga sasakyan na dumaraan sa S.H Loyola st mula sa Balic-Balic area patungong Quiapo dapat kumaliwa sa CM Recto Ave. hanggang makarating sa kanilang destinasyon.
Nabatid na ginawang Disyembre 31 ang thanksgiving procession ng Black Nazarene dahil na rin sa usapin ng pang-seguridad.
Nauna nang inihayag ng pamunuan ng simbahan ng Quiapo na ito ay upang maiwasan na rin na sumama ang mga lasing tuwing Enero 1 na karaniwang ginaganap ang nasabing okasyon na maaring magbunga ng kaguluhan at pakialaman ang ruta ng prusisyon.
Samantala, sa pagsapit ng alas 2:00 ng hapon ng Dis. 31 din hanggang sa Enero 1, 2016 ng ala 1:00 ng hapon ay sarado naman sa mga motorista ang kahabaan ng Roxas Boulevard sa north at southbound lane simula sa TM Kalaw hanggang sa Pres. Quirino Avenue para sa paghahanda sa New Year countdown 2016 celebration sa Plaza Rajah Sulayman sa R. Blvd.
Gayunman, ala 1:00 pa lamang ng hapon ng Dis. 31, ay isang lane na lamang ang bukas sa motorist o ang northbound, bago ang pagsasara ng tuluyan bandang alas 2:00 ng hapon.
Pinayuhan naman ng Manila Traffic Enforcement Unit ang mga motorista na sa halip na R. Blvd, ay kumaliwa na sa P. Burgos st. kanan sa M. Orosa st., at kanan sa TM Kalaw kaliwa sa M.H. del Pilar at kanan sa Pres. Quirino Avenue.
Sa magmumula sa southern part ng Maynila ay kumanan sa Pres. Quirino Ave. at kaliwa sa Mabini st., patungo sa destinasyon.
- Latest