^

Bansa

3 SC justices pinag-iinhibit ni Poe

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Pinagbibitiw ng kampo ni Sen. Grace Poe ang tatlong mahistrado na miyembro ng Senate Electoral Tribunal (SET) sa paghawak ng kaso ng senadora matapos bumoto ang mga ito pabor sa kanyang disqualification.

Sa panibagong mos­yon na inihain ng abogado ni Poe na si Atty. George Garcia, partikular na hiniling na mag-inhibit sina Supreme Court Justices Antonio Carpio, Teresita Leonardo de Castro at Arturo Brion.

Naniniwala si Garcia na na-prejudged na ang kaso sa isyu ng citizenship nito.

Matatandaang nag­hain ng motion for reconsideration si Rizalito David sa SC hinggil sa pagpabor ng desisyon kay Poe kaya inatasan ang SET at si Poe na mag-komento. Magsasagawa naman ng oral argument sa Enero 19, 2016 hinggil dito.

Nitong nakalipas na Lunes ay nagpalabas ng temporary restrai­ning order (TRO) ang SC upang hindi maipatupad ng Comelec ang naging kautusan na madisqualified si Poe at hindi masama sa balota.

 

ACIRC

ANG

ARTURO BRION

COMELEC

ENERO

GEORGE GARCIA

GRACE POE

RIZALITO DAVID

SENATE ELECTORAL TRIBUNAL

SUPREME COURT JUSTICES ANTONIO CARPIO

TERESITA LEONARDO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with