^

Bansa

Wish ni PNoy: Pinas magiging 1st World

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nakiisa si Pangulong Aquino sa mga Filipino sa pagsalubong sa Bagong Taon at umaasa siya na lalong yayabong ang ekonomiya ng bansa kasabay ang pag-asang maging First World country ang Pilipinas pagdating ng 2030.

“Nakikiisa ako sa lahat ng mga Pilipino sa pamamaalam sa makasaysa­yang 2015 at umaasa na magiging mapayapa at masagana ang 2016. Ang lumalago nating ekonomiya, matatag na demokrasya at ang malaki nitong presensiya sa mundo ay hindi lang nangangako ng magandang simula sa darating na taon kundi nagtatampok din sa nagaganap na pagsulong ng Pilipinas sa ilalim ng Daang Matuwid,” paliwanag ng Pangulo sa kanyang mensahe para sa Bagong Taon.

Ipinagmalaki din ng Pangulo ang nakamit na tagumpay ng gobyerno sa pamamagitan ng Daang Matuwid kung saan ay naituwid ang mga pagkakamali ng nakaraang administrasyon.

Aniya, nakamit ang mga tagumpay na ito dahil sa kolektibong aksyon ng gobyerno at taumbayan sa pamamagitan ng Daang Matuwid na pamamahala.

Natamo anya ito dahil sa kolektibo nating paninindigan na ituwid ang mga napinsalang ahensiyang pampubliko para maging malakas, mas transparent at tumutugong institusyon.

“Naging dedikadong lingkod ng bayan ang demoralisadong manggagawa ng gobyerno at napalakas ang sektor ng negosyo. Kaya ang Daang Matuwid ay isang daan para mapabilang tayo sa First World at maging isa tayong $1 trillion economy pagdating ng taong 2030,” sabi pa ng Pangulo.

ACIRC

ANG

ANIYA

BAGONG TAON

DAANG MATUWID

FIRST WORLD

IPINAGMALAKI

KAYA

PANGULO

PANGULONG AQUINO

PILIPINAS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with