House pasok sa gulo sa MMFF
MANILA, Philippines – Pinaiimbestigahan ni Laguna Congressman Dan Fernandez ang Metro Manila Film Festival dahilan sa desisyon ng executive committee nito na idiskwalipika ang pelikulang “Honor Thy Father” sa labanan para sa Best Picture. Sa House Resolution 2581 ni Fernandez, hiniling nito kay Quezon City Rep. Winston Castelo,chairman ng House Committee on Metro Manila Development na magsagawa ng imbestigasyon sa MMFF executive committees sa paniwalang nagkaroon ng iregularidad sa hakbang nito nang bigla na lang nitong isantabi ang nasabing pelikula nang walang due process. Si Fernandez ay bahagi ng nasabing pelikula, subalit nilinaw nito na ang kanyang hakbang para imbestigahan ang MMFF ay hindi bilang pagganti kundi upang hindi na maulit pa ang kahalintulad na isyu sa hinaharap.
Naging kontrobersyal ang hindi pagkakasama ng pelikulang Honor Thy Father sa labanang Best Picture dahil sa naipaalam lamang umano ito sa producer ng pelikula isang araw bago ang award night noong Linggo.
- Latest