Holiday pay rules inilabas ng DOLE
MANILA, Philippines – Makakatanggap ng double pay ang mga manggagawa na pumasok sa trabaho sa araw ng Pasko (December 25), Rizal Day (December 30) at New Year’s Day (January 1).
Sa Labor Advisory ng DOLE, ang December 25, December 30 at January 1 ay regular holidays kaya dapat doble ang sahod na tatanggapin ng mga manggagawa na papasok sa trabaho sa nasabing araw.
Kung nag-overtime naman ang manggagawa, makakatanggap siya ng dagdag na 30-percent ng kanyang hourly rate para sa nasabing araw.
Kung nagkataong rest day pero siya ay nagtrabaho sa araw ng Pasko, tatanggap siya ng karagdagang 30 percent ng 200 percent ng kanyang daily rate, at kung nag-overtime ay dagdag na 30-percent ng kanyang hourly rate.
Tulad ng Disyembre 24, ang Disyembre 31 naman na idineklarang special non-working days ay magpapairal din ng pay rules kabilang dito ang “no work, no pay” principle kung ang empleyado ay hindi nagtrabaho; kapag nagtrabaho naman ay tatanggap siya ng karagdagang 30 percent; kapag nag-overtime, dagdag na 30 percent.
Sakaling natyempong day-off ng manggagawa, pero siya ay pumasok pa rin sa trabaho, tatanggap siya ng karagdagang 50 percent ng kanyang sahod at kung nag-overtime ay additional 30 percent ng kanyang hourly rate.
- Latest