5 bill ng Villar committee naging ganap na batas
MANILA, Philippines – Sa loob ng tatlong taong pamumuno ni Senador Cynthia Villar sa Senate Committee on Agriculture and Food at sa Senate Committee on Government Corporation and Public Enterprises, lima nitong panukala ang naipasa at naging ganap na batas habang tatlo pa nitong panukalang-batas ang pinagtibay ng Senado.
Kabilang sa mga panukala na pumasa at naging ganap na batas ang Republic Act No. 10659 o the Sugarcane Industry Development Act of 2015); R.A. 10654 o act to prevent, deter, and eliminate illegal, unreported and unregulated fishing that amended the Philippine Fisheries Code of 1998; R.A. No. 10638 extending to 50 years (until 2064) the corporate life of state-owned Philippine National Railways or PNR; Senate bills under Committee Report No. 213 na nagkakaloob ng PhP2,000 across-the-board na dagdag sa buwanang pension pay ng Social Security System pensioners; at Farm Tourism Development Act of 2015 sa ilalim ng Committee Report No. 289.
Ang SSS pension bill ay naaprubahan noong Nobyembre 27 habang ang farm tourism ay noong Disyembre 1.
Alinsunod sa 1987 Constitution, ang farm tourism ay kailangan pang dumaan sa bicameral meeting habang ang sa SSS bill ay pinagtibay ng Senado ang House version kaya hindi na kailangan ang bicameral conference.
“Ikinalulugod naming ipabatid sa publiko na isinulong ng aming komite at napagtibay para maging batas ang mahahalaga at prayoridad na lehislasyon na idinulog sa amin. Naniniwala kaming makakapagpabago sa buhay ng maraming Pilipino ang mga batas na ito,” sabi ni Villar.
Inihalimbawa ni Villar na ang dagdag na buwanang SSS pension ay kapakipakinabang sa 1.9 milyong pensiyonado. Makakatulong naman anya para makapagpaluwag ng trapiko sa kalakhang Maynila at ilang lalawigan ang pinaplanong modernisasyon ng mga tren ng PNR.
- Latest