High blood, stroke tumaas ngayong Pasko
MANILA, Philippines – Tumaas ng sampung porsiyento ang mga pasyente na isinusugod sa mga pagamutan dahil sa high blood, stroke at atake sa puso ngayong Pasko.
Sinabi ni Private Hospital Association President Dr. Rustico Jimenez na ito ay dahil sa mga pagkaing inihain ngayong Kapaskuhan.
Aniya, delikado sa kalusugan ang sobrang pagkain ng matatabang pagkain dahil nauuwi ito sa pagbabara ng mga ugat.
Ang pagbabara ng ugat ay nauuwi naman sa stroke o heart attack.
Upang maagapan ang mga ganitong uri ng sakit, dapat aniya may moderasyon sa pagkain.
“Dapat may kasamang gulay at prutas, ‘di lamang lechon,” dagdag ni Jimenez.
Pinag-iingat din ng doktor ang publiko sa pagkain ng mga tirang handa upang makaiwas sa food poisoning.
- Latest