Basurang nahakot sa EDSA kumonti
MANILA, Philippines – Ikinatuwa ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na mas kaunting basura ang nahakot nila mula sa mga naiwang kalat ng mga tao sa EDSA noong Disyembre 24 hanggang 25 kumpara sa mga nagdaang taon.
Ayon kay Francis Martinez, head ng MMDA Metro Parkway Clearing Group, nakakolekta lamang ang mga tauhan ng MMDA ng 6 cubic meters o 1.6 tons ng basura sa EDSA kumpara sa 12 cubic meters na naipon sa parehong period noong nakaraang taon.
Posible aniyang naging aware na ang publiko sa kahalagahan ng pagtatapon ng mga basura sa tamang lagayan kayat kaunti na lamang ang kalat sa kalsada.
Ayon sa MMDA, kabilang pa rin sa mga nakolektang basura sa northbound at southbound lanes ang mga styrofoam, plastic bottles, cardboard materials at mga natirang bahagi ng firecrackers gaya ng fountain at “kwitis.”
- Latest