525 NPA rebs nalipol ng AFP
MANILA, Philippines – Umaabot sa 525 mga rebeldeng New People’s Army (NPA) ang nalipol ng tropa ng militar sa pagtatapos ng taong 2015.
“We were able to neutralized a total of 525 communist rebels as part of the AFP gains on the 3rd quarter of 2015 and we are still gaining grounds,” pahayag ni AFP Public Affairs Office Chief Col. Noel Detoyato.
Kabilang naman sa bumagsak sa batas ay si Maria Concepcion Araneta Bocala, secretary general ng NPA Central Committee na nasakote noong Agosto 3, 2015 sa Kalibo, Aklan.
Sa kasalukuyan, nakatutok ang AFP troops sa Compostela Valley-Davao Region, CARAGA Region, ilang bahagi ng Visayas at Luzon na nanatili pa ring malakas ang presensya ng komunistang NPA.
Sa hanay naman ng mga bandidong Abu Sayyaf ay nasa 59 ang na-neutralize at nasa 41 mula sa grupo ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) fighters.
Ang Abu Sayyaf na target ng opensiba ng militar ay namumugad sa Sulu at Basilan habang ang BIFF ay sa Central Mindanao.
Sa tala ng militar kabilang sa mataas na lider ng Abu na napatay ay si Basit Usman na nakasagupa ng tropa ng militar sa Maguindanao noong Mayo 3, 2015.
Sa panig ng BIFF ay si Abdulgani Esmael Pagao, BIFF senior Commander at Finance Chairman na nasakote sa Cotabato nitong Marso 30.
- Latest