Petisyon uli vs Duterte inihain sa Comelec
MANILA, Philippines – Panibagong petisyon na humihiling na kanselahin ang certificate of candidacy ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte ang inihain sa Comelec.
Ang petisyon ay inihain ni John Paulo Delas Nievas ng University of the Philippines-Diliman Student Council.
Iginiit ng petitioner na hindi valid ang substitution ni Duterte dahil kwestiyonable ang certificate of candidacy ni Martin Diño.
Hindi naman daw kasi maituturing na bonafide candidate si Diño dahil ang ginawa nitong paghahain ng COC ay malinaw na pagpapaikot lamang sa batas sa eleksyon para maipilit ang kandidatura ni Duterte.
Ang posisyon din umano para sa substitution ni Duterte ay kaiba sa posisyon na nais na takbuhan ni Diño, ito ay ang pagiging alkalde sa Pasay.
Nakagawa rin umano si Duterte ng deliberate misrepresentation sa kanyang COC nang siya ay manumpa na kanyang susuportahan at dedepensahan ang Konstitusyon gayong siya mismo ay lumalabag o nagbabalewala sa batas at sa Konstitusyon.
- Latest