Medical marijuana ipipilit sa Kamara
MANILA, Philippines – Lalong ginanahan si Isabela Rep. Rodito Albano na isulong ang medical marijuana kasunod ng pagsasa-legal nito sa Colombia.
Ayon kay Albano, author ng House Bill 4477 o Compassionate Use of Medical Cannabis Act, ang development na ito sa Colombia ay patunay lamang na malaki talaga ang tulong-medikal ng marijuana.
Idinagdag pa ni Albano, na halos lahat naman ng bansa sa Latin Amerika ay ligal na ang marijuana.
Maging ang mga presidentiable anya ng iba’t ibang estado ay pabor na gawing ligal ang paggamit nito.
Dahilan dito kaya itutuloy ni Albano sa Enero ang laban sa medical marijuana.
Ito ay dahil sa sa ngayon ay nasa technical working group ng House Committee on Health ang marijuana bill para i-consolidate ang inputs ng authors, resource persons at mga ahensya ng gobyerno mula sa unang pagdinig ng komite sa panukala.
- Latest