Poe dapat pag-isipan kung tatakbo pa sa 2016 – Elamparo
MANILA, Philippines – Pinagdudahan ng isa sa mga naghain ng disqualification case laban kay Sen. Grace Poe ang naging pahayag ng presidential candidate sa naging hatol ng Comelec en banc.
Sinabi ng abogadong si Estrella Elamparo na mukhang hindi naman inasahan ng kampo ni Poe ang pagkatig ng Comelec en banc sa desisyon ng dalawa nilang division na diskwalipikahin ang senadora.
Dagdag niya na kung tunay ngang inaasahang na ni Poe ang hatol ng poll body dapat ay nakapaghain na sila ng petisyon sa Korte Suprema.
“She said she expected the Comelec en banc ruling. If that were the case, then her lawyers should already have a prepared draft of the petition for filing with the Supreme Court today,” pahayag ni Elamparo sa kaniyang Facebook account.
Sinabi pa ni Elamparo na maswerte ang kampo ni Poe na maaga inilabas ng Comelec ang kanilang desisyon.
“Instead of complaining about the timing of the ruling and how five days [are] too short a period to seek relief from the SC, her lawyers should have totally prepared for this scenario. In fact, they were lucky to have had advance notice of the ruling yesterday,” dagdag niya.
Dahil din sa desisyon ng Comelec ay sinabi ni Elamparo na dapat nang pag-isipan na ni Poe kung itutuloy pa ba niya ang kaniyang pagtakbo sa 2016.
“The decision should be enough to make respondent rethink her misguided quest for the presidency,” wika ni Elamparo sa Philstar.com.
Samantala, ikinatuwa rin niya ang naging hatol ng Comelec sa senadora.
“The ruling is a shining example of how a tribunal should decide solely on the basis of the merits of the case with regard to public sentiment on the pressure. It confirms the strength of Comelec as an institution.”
- Latest