^

Bansa

‘Christmas ceasefire’ hiling palawigin hanggang 2016 polls

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nanawagan sa gobyerno si Leyte Rep. Martin Romualdez na i-extend o palawigin pa ang “Christmas ceasefire” sa pagitan ng government forces at New People’s Army (NPA) hanggang sa matapos ang May 2016 National Elections.

Ayon kay Romualdez, kung posible ay mapalawig ang ceasefire ng gobyerno at rebeldeng grupo upang magkaroon ng tsansa ang mga botante na malaya at walang takot na makaboto sa halalan.

Iginiit pa ng kongresista na ang bakbakan ng mga tropa ng pamahalaan at mga miyembro ng NPA ay hu­ling bagay na gusto ng mga taong masaksihan.

Kaya bukod sa patagalin ang ceasefire, sinabi ni Romualdez na dapat itigil na ang mga engkwentro at muling i -resume na rin ang usapang pangkapayapaan.

“Let’s give peace a chance,” giit pa nito.

Matatandaan na una nang idineklara ng CPP-NPA at National Democratic Front ang unilateral ceasefire na magsisimula sa December 23 hanggang January 03, 2016, na agad namang tinanggap ng gobyerno.

Sa panahon ng ceasefire, ang military at communist rebels ay obligado na huwag magsagawa ng offensive military operations sa isa’t isa.

ACIRC

ANG

AYON

IGINIIT

KAYA

LEYTE REP

MARTIN ROMUALDEZ

NATIONAL DEMOCRATIC FRONT

NATIONAL ELECTIONS

NEW PEOPLE

ROMUALDEZ

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with