^

Bansa

Poe aalisin sa balota ’pag walang TRO

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Malaki ang posibilidad na matanggal sa balota ang pangalan ni Senator Grace Poe bilang isa sa mga kandidato sa pagkapangulo sa May 2016 elections.

Ito’y kung mabibigo ang kampo ni Poe na ma­kakuha ng temporary restraining order mula sa Korte Suprema, ayon kay Commission on Elections (Comelec)  Commissioner Rowena Guanzon.

Ayon kay Guanzon, batay sa Come­lec rules kailangan na makakuha ng TRO ang kampo ni Poe sa loob ng limang araw matapos ang paghahain ng petis­yon sa SC.

Kinuwestiyon naman ni Atty. George Garcia, legal counsel ni Poe ang paglalabas ng desis­yon kung saan itinaon ito ng Pasko dahil maisasampa lamang nila ang kanilang apela sa Lunes.

Idudulog ng kampo ni Poe sa SC ang ka­ni­lang apela sa disqualification cases matapos na ibasura ng Comelec ang motions for reconsideration na inihain ng senador na baligtarin ang desisyon ng first at second division ng Comelec na nagkakansela ng certificate of candidacy (COC) nito sa pagkapa­ngulo.

Limang miyembro ng en banc ang bumoto upang ibasura ang MR nito habang dalawa ang nagbigay ng dissen­ting opinion kabilang sina Comelec Chairman Andres Bautista at Commissioner Christian Robert Lim.

Nag-ugat ang kaso sa reklamo nina Atty. Estrella Elamparo, dating senator Kit Tatad, Dean Amado Valdez at Professor Antonio Contreras.

Sa diskuwalipikasyon naman sa second division na inihain ni Elamparo, dissented din si Bautista habang limang commissioner naman ang bumoto laban sa kahilingan ni  Poe. Nag-inhibit naman si Lim.

Binigyan diin naman ni Lim na ang final list ng mga kandidato ay malalaman sa Enero 18 hanggang 20, habang ang pag-imprenta ng mga balota ay gagawin sa Enero 26. Nilinaw nito na hindi na maaaring magdagdag ng pangalan ng kandidato sa sandaling maaprubahan ng Comelec en banc ang  balota.

Naniniwala naman si election lawyer Atty. Romulo Macalintal na kailangan na desisyunan agad ng SC ang apela ni Poe upang maiwasan ang anumang karahasan sa panahon ng election.

Ayon kay Macalin­tal, dapat na maglabas ng desisyon ang SC kung disqualified o hindi si Poe bago ang printing ng mga balota.

‘’Kung ang madi-disqualify ay siyang makakakuha ng pinakamara­ming boto, doon magkakagulo ang ating bayan kapag hindi kaagad na-desisyunan ng ating Korte Suprema kung hindi dapat o dapat malagay ang pa­ngalan sa balota,’’  ani Macalintal.

Maaari namang magdesisyon ang Comelec kung mabibigo ang SC na mag-isyu ng TRO. Sa panig aniya ng Comelec, ang kanilang ipatutupad ay kanilang desisyon.

ACIRC

AMADO VALDEZ

ANG

AYON

COMELEC

COMELEC CHAIRMAN ANDRES BAUTISTA

COMMISSIONER CHRISTIAN ROBERT LIM

KORTE SUPREMA

NBSP

POE

SHY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with